Idea 6236
Sa Estados Unidos, sa pagpapatayo ng matataas na gusali, sinusuri nila ang pinakamabuting paraan ng paggawa ng mga banyo. Ito ay upang bawasan ang paggamit at pagsayang ng tubig.
Ngunit ang karamihan ng karaniwang tao sa mahihirap na bansa ay gumagamit ng banyo na kadalasa’y nasa labas ng bahay o gusali. Kami man ay may ganitong banyo sa tabi n gaming bahay-kubo sa Costa Rica. Malalim ito, at sinisipsip ng lupa ang dumi at ihi. Malamang ay hanggang isang daang taon, gagana ng maayos ang banyong ito, na walang ginagamit o sinasayang na tubig.
Mabuti sana kung bigyang pansin ng mga modernong tao ang mga makalumang paraan; maaaring makapabibigay ito ng mahalagang kaalaman.
~ Idea 588 ~ 18 February 1996
Maya’t maya, sinabi ni Barbara Gaughen:
“Para sa akin ay hindi ako Americana. Unang-una, ako ay isang ina. Ang Americanang ina, Intsik na ina, and Inang taga Russia -- unang-una, sila ay mga ina. Sa usapang digmaan at kapayapaan, sasabihin ko: Mga ina ng mundo, magkaisa para sa kapayapaan.
Walang karapatan ang mga gobyerno na gamitin ang ating mga anak, ang laman ng ating laman, upang maging mamamatay tao or patayin ng mga anak ang kapwa ina. Karapatan natin ito bilang ina. Ang tungkulin nang lahat ng mga pamahalaan ay ayusin ang kanilang mga problema sa mapayapang paraan.”
Pinayuhan ko siya na magsulat ng isang Panata ng mga Ina sa Mundo at magtayo ng Pandaigdigang Partido ng mga ina.
~ Idea 2547 ~
Ano ang pinakamalaking pangangailangan ng planetang Earth?
Kailangan ng pandaigdigang kaayusan para sa kapayapaan,
Kailangan ng pandaigdigang kaayusan para sa katarungan
Kailangan ng pandaigdigang kaayusan para sa maayos na pamahalaang pandaigdig
Kailangan ng pandaigdigang kaayusan para sa pagiging ispirituwal
Kailangan ng pandaigdigang kaayusan para sa panatag na kalooban para sa lahat.